Saturday, November 5, 2011

Kasalanan ko ba? II




Muling ibinalik ni Veronica ang atensyon sa pamimili ng kanyang isusuot. Sa gabing yun ay may dadaluhan silang birthday party ng kanilang kasamahan sa trabaho.Nang matapos na silang magready ay umalis na sila papuntang hotel kung saan ginaganap ang party.
Naghihintay sila ni Gwen sa tapat ng elevator para umakyat na sa floor kung saan ang party.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,dun pala niya makikita ang hindi nya dapat makita.Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan at maging ang kasama niya na si Gwen ay nagulat din.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at hindi agad makagalaw.Si Jake may kasamang babae! Inaakbayan ito at hahalikan pa man sana ngunit sa pagkabigla rin ay hindi na nito naituloy.Ang babaeng kasama nito ay naguluhan at namangha.
"Sweety,what's wrong?do you know them?"tanong ng babae na may himig paglalandi.Hindi na nakasagot si Jake dahil pinaghahampas siya nito ng bag.
"Mga walang hiya kayo!wala ka talagang hiya Jake!manloloko!" ang galit na sabi ni Veronica na noo'y nagngingit-ngit ang galit na nararamdaman.
"Veronica,wait!stop it!ano ba!? Wag kang gumawa ng scandalo dito,pwede ba?!" ang may pagkakadiin na sabi ni Jake.
"Manloloko ka Jake!pinagmukha mo akong tanga!" garalgal ang boses dahil umiiyak na siya.Si Gwen naman ay inaalo ang kaibigan,hinahagod ang lkod.Galit rin sa nasaksihan
"Veronica let me explain.Babe,you don't understand.Kung ano man ang nakita mo-"naputol ang sasabihin pa sana ni Jake.
"Kung anu man ang nakita ko,sapat ng dahilan yun para hiwalayan ka.Ayaw na kitang makita pa.Break na tayo!" sabi ni Veronica sa kanya.
"Look babe,you can't do this to me!" ang maawtoridad na sabi Ni Jake kay Veronica.Ngunit parang walang narinig si Veronica at tumakbo na ito.
"You jerk!"Galit na sabi ni Gwen Kay Jake.Ikaw naman haliparot na babae ka ito ang para sayo!(sinampal sa kaliwang mukha)para sa kaibigan ko na inagawan mo! At (sinampal naman ang kanang mukha)yan naman para sa akin dahil galit ako sa katulad mo!
"How dare you!who the hell do you think you are!?"ang galit na rin sabi ng babae kay Gwen.Gaganti pa sana ito ngunit pinigilan siya ni Jake.


*Itutuloy...

3 comments:

  1. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  2. I'm so happy BNP! :)I'm looking forward to get more followers so that I can write more stories...

    ReplyDelete