Saturday, November 5, 2011

Kasalanan ko ba? II




Muling ibinalik ni Veronica ang atensyon sa pamimili ng kanyang isusuot. Sa gabing yun ay may dadaluhan silang birthday party ng kanilang kasamahan sa trabaho.Nang matapos na silang magready ay umalis na sila papuntang hotel kung saan ginaganap ang party.
Naghihintay sila ni Gwen sa tapat ng elevator para umakyat na sa floor kung saan ang party.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,dun pala niya makikita ang hindi nya dapat makita.Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan at maging ang kasama niya na si Gwen ay nagulat din.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at hindi agad makagalaw.Si Jake may kasamang babae! Inaakbayan ito at hahalikan pa man sana ngunit sa pagkabigla rin ay hindi na nito naituloy.Ang babaeng kasama nito ay naguluhan at namangha.
"Sweety,what's wrong?do you know them?"tanong ng babae na may himig paglalandi.Hindi na nakasagot si Jake dahil pinaghahampas siya nito ng bag.
"Mga walang hiya kayo!wala ka talagang hiya Jake!manloloko!" ang galit na sabi ni Veronica na noo'y nagngingit-ngit ang galit na nararamdaman.
"Veronica,wait!stop it!ano ba!? Wag kang gumawa ng scandalo dito,pwede ba?!" ang may pagkakadiin na sabi ni Jake.
"Manloloko ka Jake!pinagmukha mo akong tanga!" garalgal ang boses dahil umiiyak na siya.Si Gwen naman ay inaalo ang kaibigan,hinahagod ang lkod.Galit rin sa nasaksihan
"Veronica let me explain.Babe,you don't understand.Kung ano man ang nakita mo-"naputol ang sasabihin pa sana ni Jake.
"Kung anu man ang nakita ko,sapat ng dahilan yun para hiwalayan ka.Ayaw na kitang makita pa.Break na tayo!" sabi ni Veronica sa kanya.
"Look babe,you can't do this to me!" ang maawtoridad na sabi Ni Jake kay Veronica.Ngunit parang walang narinig si Veronica at tumakbo na ito.
"You jerk!"Galit na sabi ni Gwen Kay Jake.Ikaw naman haliparot na babae ka ito ang para sayo!(sinampal sa kaliwang mukha)para sa kaibigan ko na inagawan mo! At (sinampal naman ang kanang mukha)yan naman para sa akin dahil galit ako sa katulad mo!
"How dare you!who the hell do you think you are!?"ang galit na rin sabi ng babae kay Gwen.Gaganti pa sana ito ngunit pinigilan siya ni Jake.


*Itutuloy...

Kasalanan ko ba? I



Inis na inis si Veronica ng siya ay makauwi sa kanilang bahay dahil nagtalo na naman sila ng kanyang boyfriend na si Jake.Kung hindi lamang siya nakapagtimpi malamang nakipagkalas na siya rito.Ngunit dahil mahal niyasi Jake eh nagawa niyang magpaka martyr.Dalawang taon na rin sila,nung una'y walang kasing tamis ang relas-yon nila but as the days went by eh parang nanlalamig na si Jake sa kanya.Nitong mga nagdaang araw eh laging mainit ang ulo ni Jake sa hindi malamng dahilan.Ito ang kinaiinasan ni Veronica kay Jake kaya naman palagi silang nauuwi sa pagtatalo.
"oh,away na naman? Naku Nix ha.Sinabi ko na sayo eh." sabi ni Gwen na bestfriend nya.
"Sis,do you think we should give space each other?kasi nahihirapan na ako." tanong nya kay Gwen na noo'y napapaisip din.
"Well,matagal ko nang sinabi sayo na kapg di ka na masaya then let go.What's the point of holding on kung wala ng patutunguhan ang relasyon nyo."mahabang sabi nya kay Nix.
Imbes na sagutin ang bestfriend niya,tanging iyak ang namutawi sa loob ng kwarto.Matagal ng magkaibigan sina Nix at Gwen mula High school pa lang kaya mata-tag na ang kanilang pagkakaibigan.
Ilang araw din hindi nagkausap sina Nix at Jake.Nalaman na lang ni Nix na pu-munta ito sa tagaytay dahil may imi-meet daw na kliyente.
"Sis,alam mo duda ako sa mokong yan eh.Malakas ang radar ko na may kina-lolokohan yan iba."sabi ni Gwen.
Napatigil si Nix sa pamimili ng isusuot na damit sa binitawang salita ni Gwen at napabuntung-hininga na lamang siya dahil yun din ang kutob niya kaya nakaramdam siya ng panlalamig na trato ng nobyo.



*Itutuloy...

KASALANAN KO BA-1





Sundan ang makulay at masakit na pag-iibigan nina Veronica.....Zandro.....at Kristine.

Http://www.blogsngpinoy.com